Napabangon ako sa aking kama. At nakita ko si Mama na nakatayo malapit sa pintuan. Ang mga mata nito ay napako sa akin. Nadagdagan tuloy ang mga kulubot sa noo nito habang nakamasid sa akin. "Renato, tigilan mo yang ginagawa mo. Oh, Ginoo!"
"Ma, oh, heto ang dalawang kamay ko," sabi ko sabay taas ng dalawang kamay. "Wala akong ginagawa."
"Wala, tingnan mo ang kama mo malapit nang masira sa kakauga mo," wika pa nito bago nilisan ang aking silid.
Napatingin ako sa aking kama. Gawa lamang ito sa kawayan kaya bawat galaw sigurado makakalikha ito ng ingay. Hay! Nahuli na naman ako ni Mama na nagmimilagro buti na lang nababalutan ako ng isang malapad na kumot. At buti na lang hindi nakita ni Mama ang Porn Magazine ko. Oops! Hindi ako bastos ha! Malibog lang!
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko ang Mama na naghahain ng almusal. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding ng kusina. Lagot! Limang minuto na lang alas-sais na nang umaga. Sana hindi ako mahuli sa klase.
Pumasok ako sa loob ng banyo. Naghubad at sumalok ng tubig sa timba. Ramdam ko ang malamig na tubig. At pakiramdam ko nabuhay ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang dulas, ang sarap sarappppppppp!
Napatingin ako sa malaking salamin sa loob ng banyo. Nababalutan ako ng bula ng sabon. Napasulyap ako sa aking katawan. Unti-unti nang nagkakaroon ng malaking pagbabago. Lumalaki na rin ang aking adam's apple. Unti-unti na ring tumutubo ang mga buhok ko sa katawan. Pakiramdam ko lahat lumalaki sa akin. Boses, dibdib at pati na rin si Patotoy. Aba! Binata na pala ako.
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang laki, ang tigas
"Renato! Renato! Ang bibig mo ayusin mo," malakas na sigaw ni Mama.
Si Mama talaga, bulong ng aking isipan.
Basa pa ang aking katawan nang ako ay lumabas ng banyo. Naabutan ko ang Mama na nagtitimpla ng kape. Nilapitan ko siya at masuyong hinalikan.
"Ma, hayaan n'yo na po ako. Binata na ang anak n'yo," malambing kong sabi. Inayos ko ang pagkakatapis ng tuwalya sa aking baywang. At pinagmasdan ko ang aking Ina. Napangiti ako nang mapansin kong hindi na nawala ang kulubot sa noo nito. Ang mga kilay nito ay nagkasalubong habang nakatingin sa akin. Ang kulot at maiksi nitong buhok ay binagayan ng tengang napapalawitan ng isang perlas na hikaw. At kahit nasa edad singkwenta na si Mama malakas pa rin at malusog ang pangangatawan.
"Naku! Renato kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase. Blah! Blah! Blah!"
Binilisan ko ang pagkain ng tapsilog at agad na nagbihis. Mahirap na baka mabingi ako sa boses ni Mama.
Ganito ako kapag umaga. Magbabasa, maglalaro ang mga kamay, maliligo, kakain at makikinig sa sermon ng aking Ina bago pumasok sa eskwela. Apat kami sa bahay pero ang Mama ko ang madalas kong nakakasama. Ang dalawa kong kapatid na babae ay nasa kolehiyo na at sa Maynila nag-aaral. Sa madaling salita puro babae ang mga nakakasama ko sa bahay.
Hindi ko na rin nakita ang aking ama dahil namayapa na ito noong ako ay ginagawa nila ni Ina. Atake sa puso habang nasa mainit silang pagtatalik. Buti na lang nagawa pa ako. Eh, di sana wala ng pogi sa mundong ito.
HALOS mapako ang mga paningin ng mga estudyante ng Hijas De Jesus Highschool sa akin. Sikat kasi ako dahil sa taglay kong kapogian. Sa tuwing nginingitian ko ang mga babae pakiramdam ko laglag ang napkin nila sa sobrang kilig. At dahil diyan binansagan akong Campus Crush.
"Bro, akala ko mahuhuli ka na naman sa flag ceremony," bati sa akin ni Drake.
"Muntik na!" agad na tugon ko sa bestfriend ko.
"Hmmmm! Siguro basang-basa na naman ang magazine na hiniram mo sa akin," pabirong sabi nito sabay akbay sa akin na agad ko namang i-winaksi.
"Ulol! Itulad mo pa ako sayo na sobrang libog." Nakapila na kami para sa flag ceremony at hindi ko napigilan ang mapatingin sa aking kaibigan.
He was undeniably attractive! Ang makapal niyang buhok was fashionably cut. Makapal ang kilay at maamo ang mga mata niya na binagayan ng mahahabang pilikmata. He has fine features na sa tingin ko ay nakuha ko rin. Ang pagkakaiba nga lamang namin ay kayumanggi siya samantalang maputi naman ako.
"Oh, baka naman matunaw ako sa kakatitig mo sa gwapo kong mukha?" Ang ngiti ko ay kaagad na nabura at napalitan ng pormal na ekspresyon.
"Loko ka talaga! Napansin ko lang na bagong ahit ka pala."
Ngumiti ito at hinimas ang mukha. "Sabi kasi nila kapag nag-a-ahit kakapal ang balbas. Tingnan mo kumakapal na. At sa ibaba kumakapal na rin," wika nito sabay tingin sa pantalon niya.
Napangiti na lamang ako dahil nakuha ko ang ibig niyang ipahiwatig. Sabagay ginagawa ko rin ang pag-a-ahit ng buhok sa ibaba. Hmmm! masasabi kong kumakapal talaga.
Fourth Year highschool na kami ni Drake. At masasabi kong tumitibay ang samahan namin. Tulad ko pihikan din si Drake sa babae. At kahit marami ang naghahabol sa amin ay nanatili kaming single and available. Fresh pa!
NATAPOS na ang flag ceremony at nasa loob na kami ng silid-aralan. Tumingin siya sa akin at inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Bro, sa Christmas vacation sama ka sa akin," pabulong na sabi sa akin ni Drake.
"Sige bro, papaalam ako sa Mama ko."
"Mama's boy ka talaga!" biro nito at ang ngiti ay nauwi sa isang malakas na tawa.
"Drake and Renato?" malakas na sigaw ng English teacher namin. Lagot! Magagalit na naman si Ms. Maningning. Lalaki na na naman ang mga mata nito habang umuusok ang mga tenga sa sobrang galit. Grabe! Teacher enemy number one talaga!
HETO na ang pinakahihintay ng lahat ang Christmas vacation. At masaya ako kasi pinayagan ako ng Mama na pumunta sa probinsya nina Drake.
"Tita, payagan n'yo na ang baby boy. Saka malay n'yo po makakita ng chiks si Renato sa pupuntahan namin," pabirong sabi ni Drake sa Mama ko habang naghahapunan kami.
"Naku, kayong dalawa talaga puro kalokohan ang nasa isip n'yo. Oo nga pala pasabi sa Nanay mo na magpapalabada kami bukas." Isang tango na lamang ang isinagot ni Drake bilang tugon sa sinabi ng Mama ko. "O, dalhin mo na itong sobrang ulam ha," dagdag pa ng mama ko.
"Naku, Tita ‘wag na...."
"Hindi, dalhin mo." Wala nang nagawa pa si Drake sa kagustuhan ng Mama. Hmmm! Pakipot pa ang loko. Ang totoo alam ko namang gusto niyang dalhin ang binalot na ulam.
"Salamat po!" simpleng sagot ni Drake.
Mahirap lamang sina Drake. Ang ina nito ay isang labandera. At tulad ko matagal ng namayapa ang tatay nito. Mabuti na lang at matalino si Drake kaya nakakuha ng scholarship ni Mayor.
SABADO nang umaga ay nakahanda na ako para sa naiibang bakasyon. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako makakaranas ng tinatawag nilang Out-of-Town vacation. Sawang-sawa na ako sa mga nakikita ko sa aming bayan. Kahit ipikit ko pa ang aking mga mata hindi ako maliligaw. Ganoon ko kabisado ang buong bayan ng Pototan, isang malaking bayan ng Iloilo.
Wala sa isip ko kung saan ako dadalhin ni Drake. Ang alam ko masaya ako habang mabilis niyang pinapaharurot ang old model owner type jeep na tanging alaala ko sa aking yumaong ama.
"Putcha Bro, baka kalas-kalas na ang makina nito bago tayo makarating sa Isla."
Natuwa ako sa aking narinig. Isla? Mukhang mag-e-enjoy ako. Ang simple kong ngiti ay nauwi sa isang halakhak. "Oo nga Bro, baka hindi mo namamalayan tumilapon na tayo."
"Huwag naman! Ayaw kong mamatay na virgin pa ako," wika nito sabay kindat sa akin.
"Umiral na naman ‘yang libog mo."
"Uy, nagsalita ang laging nahuhuli ng nanay na_" Hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin dahil isang malakas na hampas ang ibinigay ko sa kanya. "Oppps! Loko ka ha! Mamaya mabitiwan ko ang manibela. Bro, ano nga pala ang kinakanta mo kapag naliligo sa banyo?" Sa sinabi niya ay pasamantalang nagtama ang aming paningin saka muling nagtawanan. At sabay naming kinata ang jingle namin habang naliligo.
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang dulas, ang sarap sarappppppppp!
Kay saya ng bawat minuto. Pakiramdam ko ito na ang pinakamasayang bakasyon. Halos tumalon ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang kanang kamay niya na pansamantalang bumitaw sa manibela at umakto ito na parang naglalaro ng patotoy.
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang laki, ang tigas
Natigilan ako sa pagtawa nang mapagmasdan ko ang buong paligid. Kay ganda ng sikat ng araw na tumatama sa buong palayan. Malinis at sariwa ang hangin. Tumayo ako. At dahil walang bubungan ang owner type jeep ay malaya akong nakatayo. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. Whey! Ang sarap ng hangin. Nagulat ako nang inihinto ni Drake ang pagmamaneho.
"Bro, bakit? ‘wag mong sabihin na na-inggit ka sa akin dahil nakakatayo ako?" usisa ko sa kanya. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang bumaba siya ng sasakyan.
"Jingle lang ako baka kasi mapa-ihi ako sa kakatawa," tugon niya sa akin. Napangiti ako nang makita ko siyang umiihi sa palayan. May kung anong kalokohan ang pumasok sa aking isipan. At agad akong bumaba ng sasakyan at dahan-dahang lumapit sa kanya. Bigla ko siyang inakbayan at sabay turo sa hinahawakan niya.
"L-loko ka talaga!" malakas niyang sigaw sabay palag. At wala na siyang nagawa pa dahil nakita ko na ang tinatago niya.
"Bro, mukhang hindi na yata lumaki ‘yan," pabiro kong sabi. Nakita ko kung paano namula ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at akma niya akong huhubuan. At kahit alam kong mahigpit naman ang suot kong walking shorts ay tumakbo ako hanggang sa maghabulan kami na parang mga bata. Naabutan niya ako at isang malakas na batok ang natanggap ko. At muli kaming naghabulan pabalik sa aming sasakyan.
Habol ang paghinga nang maka-akyat ako ng sasakyan. Pawisan kaming pareho. At tulad ko hinihingal din siya sa sobrang pagod pero hindi hadlang ito para muli niyang patakbuhin ang aming sasakyan. Napapikit ako nang umalingawngaw sa speaker ng sasakyan ang paborito kong kanta. At muli ako napamulat nang bumilis na ang pagmamaneho ni Drake. Hindi ko maipaliwanang ang kaligayahan ko habang pinagmamasdan ko ang kaibigan ko.
Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago pag ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Hindi ko napigilan ang sumunod sa awitin. At dahil sa lakas ng kanta ko ay napasabay na rin si Drake. Muli akong tumayo at itinaas ang aking dalawang kamay.
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di mo malaman ang tungo kung saan
Pero sama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko......
Akala ko mapipigil ko
ngunit lalong nahuhulog sa'yo
Magaang dalhin kay sarap lambingin
yun nga lang ay kaibigan kita
Mapalad ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad ni Drake. At hindi lang siya kaibigan dahil kapatid na rin ang turingan namin sa bawat isa. Lahat ng kalokohan magkasama kami kaya wala na kaming itatago sa bawat isa. Ganyan na kami ka-close!
NAPAMULAT ako nang makarinig ako ng tahol ng aso. Nakatulog pala ako. Inihinto ni Drake ang sasakyan malapit sa isang bahay kubo. Napapaligiran ito ng ibat-ibang halaman. Sa kaliwang bahagi ng bahay ay may nakatanim na puno ng mangga. Muling lumipad ang aking paningin sa kabuuan ng bahay-kubo. Luma na ito pero maganda ang pagkakagawa. At sa tingin ko hindi ito kayang patumbahin ng isang malakas na bagyo.
"Malapit lang ang ilog dito. Mamaya ligo tayo." Sa narinig ko humugot ako ng malalim na hininga. Wow! Nalanghap ko ang sariwang simoy ng hangin.
"Bro, sa tingin ko makakapagsulat ka ng mga short stories. Tahimik dito at tayong dalawa lang ang tao."
"Tayong dalawa?" takang tanong ko.
"Si Ka-Berto lang ang namamahala ng bahay-kubo. At dahil nandito ako hindi na siya pupunta."
Hindi na ako nagtanong pa. Ang mahalaga solo namin ang bahay-kubo. Nalaman kong ito ang bahay nila bago sila lumipat ng Pototan.
"Nato, okay lang ba sayo kung gasera lang ilaw natin mamayang gabi. Oo, nga pala tayo lang ang magluluto ng pagkain natin," wika nito sa akin habang inaayos ang aming mga bagahe.
Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Napansin kong hubad na ang kanyang t-shirt kaya naghubad na rin ako. Napansin kong magkasing laki na pala ang katawan namin.
Kinuha ko ang de-latang karne norte nang mapansin kong kumuha siya ng bigas sa bigasan.
Masaya kaming nagluto ng pananghalian namin gamit ang mga palayok. Natawa kami ng medyo lata ang kanin. At isdang tuyo ang ulam na sinamahan ng nilagang itlog.
Masaya ang bawat sandali. Kwentuhan, lokohan, sigawan ang mga ginagawa namin hanggang sa niyaya niya akong mamasyal.
"Saan tayo pupunta?" Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Inak-bayan ko siya habang naglalakad kami sa batuhan.
Hindi ko alam kung saang lugar kami naroon. Ang alam ko lang isang napakagandang lugar ang pupuntahan namin. Kumurba ng ngiti ang labi ko nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. "Wow!" sambit ko nang mahagip ng paningin ko ang isang falls. Napakaganda ng natural na kapaligiran. The falls was very beautiful.
"Tara! Ligo tayo." Nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang kanyang t-shirt. At sumunod ang kanyang shorts hanggang pati brief niya.
"Ano ‘yan?" biro ko sa kanya habang nakatingin sa hubad niyang katawan.
"Nakita mo na naman ito kanina, hindi ba?" wika nito sabay talon sa malamig at malinis na tubig. "Hoy, maghubad ka na. Huwag mong sabihing nahihiya ka pa sa akin. Tayong dalawa lang ang tao rito."
"Okay ka lang baka mamaya may maligong ibang tao."
"Eh, ano naman? Hindi ka naman supot. Noon nga naligo tayo sa imburnal hindi ka pa tuli," wika nito kasabay ng isang malutong na halakhak. At wala na akong nagawa pa kundi ang lumusong sa tubig na hubot-hubad.
"Bro, lumaki na pala ‘yang alaga mo?"
"Sa'yo lang naman ang hindi eh," wika ko sabay suntok sa balikat niya. At muli na naman kaming naglokohan na parang mga bata.
Masaya kami habang naliligo. Ramdam ko ang lamig ng tubig. Napasulyap ako sa kanya. At nag-init ang aking pisngi sa itinakbo ng aking imahinasyon. Gusto kong kalabanin ang nararamdaman ko pero hindi kaya ng puso ko. Nahigit ko ang aking hininga habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ni Drake.
"Oh, baka tigasan ka sa kakatitig sa akin?" Sa sinabi niya ay saka ko na-realized kung ano ang aking ginawa. Ang ngiti ko ay kaagad na nabura at napalitan ng pormal na ekspresyon.
"Gago, baka naman ikaw ang nalilibugan sa akin," ganting biro ko sa kanya. Muli kaming nagkatawanan at lumapit siya sa akin para bigyan ako ng isang batok. Umiwas ako. At hindi sinasadyang nagkalapat ang aming mga katawan. Nagkatitigan kami. Nakiramdam sa bawat isa. At ako na mismo ang bumawi. Tumalikod ako dahil napahiya ako sa aking sarili. At para maikubli ang nagising kong pagkalalaki. Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa kay Drake.
"O, s'an ka pupunta? Bawal ang batibot dito," patawang sabi nito sa akin. Umahon siya sa tubig at muli kong nakita ang buo niyang katawan. Sinenyasan niya ako na umahon na rin dahil u-uwi na raw kami.
"Matigas siguro ‘yang alaga mo kaya hindi ka maka-ahon?" Napa-iling na lang siya nang makitang umahon ako at takip ng kamay ko ang alaga ko.
NAKAUWI kami na baon ang matinding pagod. Nailigpit na rin namin ang pinagkainan namin. Ang sarap ng hapunan. Inihaw na isda na sinamahan namin ng kamatis. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami.
Kinuha ko ang papel at panulat ko para magsulat ng isang kwento. Sa tulong ng liwanang na nagmumula sa lampara ay malaya akong nakakapagsulat. Ano kayang kwento ang isusulat ko? Napangiti ako nang makita ko si Drake na nakadapa sa sahig. Tulog na yata ang mokong!
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At hindi ko akalain na buhay ko ang isinusulat ko. Ang buhay ko kapiling ang matalik na kaibigan. Magalit kaya siya kung ang pamagat ng kwento ko ay Love ko si Drake?
Lihim akong natawa sa aking sarili. At hindi ko namamalayan na unti-unti ko nang nabubuo ang bawat talata. Ano nga ba itong nararamdaman ko? bakla ba ako? Tinigil ko ang pagsusulat. Alam kong sabik lang ako sa kapatid na lalaki o sa ama kaya ako malapit kay Drake. Wala na akong nagawa pa kundi ang ipagpatuloy ang kwento. Ang kwentong tumutukoy sa lihim kong pagtingin kay Drake. Lihim akong natatawa. Alam ko naman na hindi ako sigurado sa tunay kong nararamdaman. Sabagay, kwento lamang ito.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naisipan kong lumabas ng bahay. Nasa labas kasi ang banyo ng bahay-kubo. Medyo nanginig ako sa sobrang lamig dulot ng hangin kaya pagkatapos kong magbawas ay pumanhik na agad ako sa loob ng bahay-kubo.
Kumabog ang dibdib ko nang mapansin kong wala si Drake sa hinihigaan nito. At para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maabutan kong binabasa niya ang kwentong isinulat ko. Kwentong tungkol sa aming dalawa.
"Dra-drake?"
Napatingin siya sa akin. At hindi ko nagawang tumingin sa kanya. Lumapit siya sa akin hanggang sa isang dipa na lang ang agwat namin.
"A-anong ibig sabihin nito?" kaswal niyang tanong sa akin.
Napahiya ako sa aking sarili. Akma akong tatalikod nang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kanang braso ko. Humarap ako sa kanya at hinuli ko ang paningin niya. Hindi ako nabigo dahil nabihag ko ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang layo namin sa bawat isa. Pareho lang kaya ang nararamdaman namin?
Niyakap ko siya hanggang sa naglapat na ang aming mga dibdib. Hinubad ko ang t-shirt ko. At hindi ko napigilan ang yakapin siya nang mahigpit. Gumanti siya sa bawat yakap na binibigay ko. Hinubad na rin niya ang manipis na sandong bumabalot sa matipuno niyang katawan. At sabay kaming napapikit habang nilalasap ang bawat tamis.
Napamulat ako nang maramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan. At doon ko natuklasan na pareho naming ginusto ang lahat. Walang namilit, walang pinilit hanggang sa kaming dalawa ay naging isa.
Kahit ako para sa `yo
Ay `sang hiram At hindi dapat magdamdam
Di mo lang alam na kahit pa mali
Naging langit ang bawa't sandali
Magmula nang halik mo'y dumampi
Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram
Tama ba ang ginagawa namin? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat yakap at halik? Ano ang nangyayari sa aming dalawa?
Di ba ako'y tao lang na
Nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin
Hinimas ko ang kanyang dibdib. Narinig ko ang bawat ungol niya. At lalong dumaloy ang kuryente sa aking katawan. Mahal ko na yata si Drake? Hindi ko napigilan ang maiyak sa aking nararamdaman. Paano ko tatanggapin na umiibig ako sa isang lalaki?
Pakiramdam ko maalab ang gabi. At punong-puno ng maiinit na yakap at halik hanggang sa sumuko na ang aming mga hubad na katawan. At doon ko namalayan na nababalutan kami ng isang puting kumot para ikubli ang hubad naming pagkatao.
TUMAPAT sa aking mukha ang sinag ng araw. Umunat ako saka pinilit imulat ang aking mga mata hanggang sa makadilat na ako. Mataas na pala ang sikat ng araw. Agad akong bumangon nang mapansin kong wala sa tabi ko si Drake.
"Kumain ka na. nakahain na ang pagkain mo." Agad kong tinakpan ng kumot ang hubad kong katawan. At napatingin ako sa matandang lalaking nagsasalok ng tubig sa banga. Naisip ko baka ito ang Ka-Roben ni Drake.
"Na-nasaan po si Drake?" usisa ko sa matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na.
"Nasa ilog," simpleng sagot sa akin. Napansing kong lihim itong natawa habang nakatingin sa katawan kong nababalutan ng puting kumot bago ito tuluyang lumabas ng bahay-kubo.
Hindi ko na nagawang kumain pa. At hindi ko namamalayan na humahakbang na pala ako papunta sa tabing ilog. Nakarinig ako ng ingay kaya binilisan ko ang paglalakad sa batuhan hanggang sa marating ko ang ilog.
Napangiti ako nang makita ko ang hubad na baro ni Drake. Naligo yata siya ng hubot-hubad. Napuno ng saya ang puso ko sa naisip ko. At agad itong pinalitan ng lungkot nang mahanap ko siya. Natulala ako habang nakita ko siyang may kayakap na babae. Ilang saglit pa nakita ko na naghalikan na sila. Napahiya ako sa aking sarili kaya nagkubli ako sa isang malaking bato. Ang mainit na tagpo na aking nakita ay nagdulot ng kuryente sa aking katawan. Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko?
"Bro?" Natigilan ako sa aking ginagawa. Namula ang aking pisngi. "Uy, sinisilipan mo pala kami ni Ana kaya ka nagbabatibot diyan," pabirong sabi sa akin ni Drake.
"Ha? Hindi no? May kasama ka ba?" patay malisya kong tugon.
"Wala na! part time lang ‘yon. Patay na patay kasi sa akin kaya pinatulan ko na." napatingin siya sa bukol ng shorts ko. "Mukhang nabitin ka ha?" sabi nito sabay hawak sa katawan ko. Napapikit ako habang natatanggap ko ang maiinit niyang yakap. Hindi ako pumalag. At hindi ko alintana kung may matang nakamasid sa aming dalawa. Ang alam ko gusto ko ang ginagawa namin.
LUMIPAS ang tatlong araw ay naging masaya ang samahan namin ni Drake. Alam kong pareho lang naming ginusto ang lahat.
Napatingin ako sa orasang nakapatong sa mesa. Naiinip na ako dahil hanggang ngayon ay wala pa si Drake. Ang paalam niya ay may kaibigang dadalawin. Naisip ko nga baka si Ana ang pupuntahan niya. Napangiti ako nang maalala ko ang mukha ni Ana. Maganda, sexy at morena na sa tingin ko kahit sinong lalaki ay mabibihag nito.
Naisipan kong lumabas ng bahay at magpahangin saglit. Tahimik na ang buong paligid. Wala na ang mga batang naglalaro sa palayan. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya minabuti kong pumunta sa pinakamadilim na sulok ng lugar. Sa isang damuhan na malayo sa bahay-kubo.
Nakahinga ako nang maluwag nang maka-ihi ako. At nagulat ako nang biglang may tumapik sa aking balikat at tinutukan ako ng patalim. Kahit gustong gusto kong pumalag ay hindi ko nagawa dahil sa patalim na nakadiin sa aking leeg. Kailangan ko pang maghanap ng pagkakataon para makapanlaban. May dalawa pang kasama ito at sa tingin ko kung papalag ako ay wala akong magagawa dahil sa laki ng mga katawan nila.
"Bakla ka ba?" tanong ng lalaking nasa likuran ko. "Mukhang maganda ang suot mong shorts. Hubarin mo."
Hindi ako tuminag.
Sinikmuraan ako ng lalaking kaharap ko. Sumunod dito ang isa pa nilang kasamahan. Nanlaban ako pero wala akong magawa dahil tatlo sila. Bumagsak ako ng limang beses sa damuhan. Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kinaya.
Napaungol ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Naramdaman ko ang paghawak sa aking mga hita hanggang sa makarating ito sa aking baywang. Pumalag ako pero mahigpit ang pagkakahawak sa aking likuran para hindi ako makatayo. Iniangat ko ang aking ulo para makita ko ang mga kaganapan. Ang isang lalaki ay pilit na hinuhubuan ako hanggang sa magtagumpay itong hubarin ang saplot ko sa katawan.
"Putang in---," sigaw ko habang pilit akong pumapalag. Galit na galit ako sa aking sarili dahil wala akong kalaban laban sa kanila.
Hinawakan ako ng dalawang lalaki at pilit na pinatayo. Nakaramdam ako nang malakas na suntok sa aking sikmura. At muli akong napaungol sa sobrang sakit. May yumakap sa aking likuran at ilang saglit nakaramdam ako na matigas na bagay na pilit pinapasok sa aking likuran. Ahhhh! Sobrang sakit ang naramdaman ko. Napapikit ako nang malaman kong isang malaking talong ang pumasok sa aking katawan.
"Ano? Gusto mo pa?" tanong ng isang lalaki. Pumalag ako nang pumalag pero nanatili akong mahina.
"P-putang in-," daing ko sa sakit na nararamdaman ko. "T-tama n-na." Kagat ko na ang aking labi sa sobrang sakit.
Itinulak ako ng isang lalaki hanggang sa dumapa ako sa damuhan. Naramdaman ko na lumapit ito sa akin. Tumingin ako sa aking likuran. Itinaas nito ang kamay na may hawak na isang malaking talong at muli itong ipapasok sa aking likuran. Napapikit ako. Inihanda ang sarili sa sakit na mararamdam ko. Naghalo na ang pawis, luha, sipon at laway ko. At hindi ko matanggap sa aking sarili na wala akong kalaban laban sa kanilang lahat. Ahhhhh! Nakuyom ko ang aking mga kamao nang muli kong maramdaman ang matigas na bagay na ipinasok sa aking likuran. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa......
"Tama na! Ang sabi ni Pareng Drake turuan lang ng leksyon. Iwan n'yo na ang bading na ‘yan," malakas na sabi ng isang kararating na lalaki.
Pinatayo ako at buong lakas na itinulak sa damuhan. Ramdam ko ang sakit nang ginawa nila sa akin. Pero doble ang sakit na naramdaman ng puso ko nang marinig ko ang pangalang Drake. Si Drake ba ang may pakana ng lahat? Bakit? Pilit ko iwinaksi sa aking isipan ang kutob ko. Pilit nilalabanan ang hinalang pumapasok sa aking isipan.
Tumakbo ang mga kalalakihang sumira ng pagkatao ko. Ramdam ko ang bawat sakit. Kinuyom ko ang aking palad. Napaluhod ako sa damuhan. Ahhhhh! Sumigaw man ako ng ubos lakas ay huli na ang lahat. Pinilit kong makatayo. Inubos ko ang natitira kong lakas. Pinulot ang shorts ko na nakakalat sa damuhan. Nakakita ako ng isang kinakalawang na bakal at pinulot ko ito. Nasa isip ko ang paghihiganti. Alam kong hindi pa nakakalayo ang mga lalaking bumaboy sa pagkatao ko.
Tinahak ko ang landas na tinahak nila. At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko pa ang isang kasamahan nila. Malayo ang kinatatayuan nito at nakatayo ito sa likod ng isang puno ng sampalok. Kahit malayo ay tanaw na tanaw ko sila. May kinakausap itong lalaki na nakatalikod. Ilang saglit pa ay lumisan na ito. Hahabulin ko sana kaso nagulat ako nang makilala ko ang taong kausap nito. At hindi ako nagkakamali si Drake ang lalaking kausap.
Lumapit ako sa kinatatayuan ni Drake. Tumalikod siya at nahagip ako ng paningin niya.
"Br-bro?" utal na wika niya.
Para akong namatay sa natuklasan ko. At tuluyan nang naubos ang natitira kong lakas. Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ako at akmang hahawakan sa braso.
"Huwag mo kong hawakan. Huwag mo akong hahawakan," malakas kong sigaw. Humarap ako sa kanya. "Kung nagsisisi ka sa nangyari mas lalo ako. Sana hindi na lang nangyari ang lahat. Sana hindi na lang kita naging kaibigan."
"Ma-mag-papaliwanag a-ako."
Kinuyom ko ang aking kamao at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Nakita ko kung paano siya natumba sa lupa. Nilapitan ko siya at hindi ko napigilan ang muling maiyak.
"Hindi ko pinipilit ang sarili ko sayo. Ang sa akin lang sana respituhin mo naman ako. Akala ko pareho nating ginusto ang nangyari. Nakikita mo ba ang mga pasang ito?" wika ko sabay turo sa buong katawan kong puro pasa. "Masakit.... Pero kaya kong tiisin pero dito," sabi ko sabay turo sa puso ko. "Hindi ko kayang gamutin ang sugat. Para mo na akong pinatay," lintanya ko sa kanya.
Tumalikod ako at pinilit makalayo sa kanya. "Bro," tawag niya sa akin. Patuloy pa rin ang paglalakad ko at pumapalag ako sa bawat hawak niya sa aking balikat. Napahinto kaming dalawa nang marinig ko ang boses ni Ana.
"Drake, hayaan mo na siya."
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang naiwan si Drake sa piling ni Ana. Habol ang paghinga ko nang makarating ako ng Bahay-kubo. Agad kong kinuha ang susi ng owner type jeep at tinungo ang sasakyan. Agad kong binuhay ang makina nito at mabilis kong pinaharurot.
Mabilis ang pagmamaneho ko ng sasakyan. Hindi ko alintanan ang malulubak na daanan. Nang masiguro kong malayo na ako sa bahay kubo ay itinigil ko ang sasakyan. Bumaba ako at napasandig sa sasakyan. Nasa katawan ko pa rin ang mga pasa pero hindi ko na ramdam ang sakit nito. Natalo na ng sakit sa damdamin. Pakiramdam ko sinaksak ang pagkatao ko. Napaupo ako sa lupa at sa pag-iyak ibinuhos ang sakit na nararamdaman.
TATLONG buwan na ang nakalipas. Masasabi kong kinalimutan ko na ang lahat ng nangyari. Ako lang at si Drake ang nakakaalam ng namagitan sa amin. Inilihim ko sa aking pamilya ang naganap sa aking buhay. Ilang beses nang nag-krus ang landas namin ni Drake. Ilang beses na rin siyang lumapit sa akin para magpaliwanag. Sarado ang aking mga tenga.
Graduation day namin. Masaya ang lahat. Ako? Aaminin kong lungkot ang nararamdaman ko. Nasa loob ako ng Comport Room para palitan ang togang suot ko. Katatapos lamang ng seremonya at nanaisin ko pang umuwi kaysa makihalubilo sa aking mga kaklase.
"B-bro." Napalingon ako sa boses na aking narinig. Si Drake na suot pa ang toga sa katawan. "Congrats!" dugtong niya.
Lalabas sana ako ng Comport Room pero pinigilan niya ako. Nagtama ang aming mga paningin. "Ano ba ang gusto mo?" asik ko sa kanya.
"Patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang lahat."
Pumalag ako hanggang sa mabitiwan niya ako. "Matagal na kitang pinatawad. Kinalimutan ko na ang lahat. Wala akong magagawa kung hindi ka naging mabuting kaibigan sa akin."
"Kung galit ka sa akin saktan mo ko." Kinuha niya ang mga kamay ko at pilit na inihampas sa kanyang mukha. Nagmatigas ako hanggang sa naitulak ko siya. Lumapit siya sa akin at pinilit na yakapin ako hanggang sa naglapat na ang aming mga katawan. Pumalag ko ngunit hindi siya pumayag hanggang sa nabihag niya ako. Hinuli niya ang aking labi at wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin ang maiinit niyang halik.
Napalunok ako. At bigla akong natauhan sa aking sarili. Alam kong hindi dapat. At maling mali ang nagaganap sa amin. "Tama na!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Tigilan na natin ito. Hindi pa huli ang lahat. Drake, ayusin natin ang buhay natin. Hanapin natin ang tunay na sarili natin." Hindi ko napigilan ang maiyak sa aking sinabi. "Hin-hinding hindi kita makakalimutan," dugtong ko saka tumakbo palabas.
Labis ang pagkamangha ng aking Mama nang makitang umiiyak ako sa loob ng sasakyan. At alam kong hindi siya nakatiis kaya kinausap niya ako pagdating sa bahay.
"Anak, bakit?" Niyakap niya ako. At doon ako nakahinga nang maluwag. "Anak, sabihin mo kung ano man ang nasa loob mo."
"Nay, magagalit ba kayo kung malalaman n'yo na bakla ako?" Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako.
Napaiyak ang Mama na parang natatawa saka hinimas ang buhok ko. Hindi man siya kumibo ay alam kong tanggap niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ana-k, pwede mo pang ayusin ang buhay mo. Alam kong hindi ka bakla. Siguro nasanay ka lang na mga babae ang kasama mo rito sa bahay. Alisin mo sa isip mo na bakla ka. Isipin mo lagi na lalaki ka..... isang tunay na lalaki." Napatawa ako sa sinabi ng Mama. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Salamat Mama, nasabi ng aking isipan.
LULUWAS kami ng Manila. At doon ko tatapusin ang kurso ko. Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Drake sa bahay. Alam kong nakarating sa kanya ang balita. Nasa mukha niya ang labis na kalungkutan.
"A-alis ka pala? Sana bago ka umalis maayos natin ang lahat," wika niya sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid saka tumingin sa kanya. "B-ro, napatawad na kita. Sa Manila na kasi ako mag-a-aral. Doon aayusin ko ang buhay ko. Baka libog lang ang umiral sa akin." Napatawa ako sa aking nasabi pero sa likod ng bawat ngiti alam kong luha ang nakakubli.
Tatalikod na sana ako ngunit pinigilan ako ni Drake. "Bro, salamat. Sana tapusin mo ang kwento mo. Alam ko mababasa ko ‘yan pagdating ng panahon." Niyakap niya ako. At ilang saglit bumitaw siya sa akin. "Sana maniwala ka. Minahal rin kita," sabi niya saka tumalikod palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko na nagawa. Nakita ko ang Mama na lihim na nagmamasid sa amin. Pumasok ako ng bahay at agad na nag-impake ng gamit. Sa aking paglisan kakalimutan ko ang naganap sa aking buhay.
LIMANG taon na ang nakakaraan. Marami na ang nangyari sa aking buhay. Graduate na ako. At isa na akong Civil Engineer. Wala na akong hahanapin pa sa aking buhay. Nagkaroon ako ng bagong buhay. Maraming nakilalang bagong kaibigan. At higit sa lahat marami akong naka-sex na mga babae. Pilit kong nilabanan ang aking sarili na mahulog sa isang lalaki. Tama na ang isang pagkakamali. Si Drake na lamang ang una at huling lalaking naging bahagi ng aking buhay. At doon ko natuklasan na lalaki rin pala ako. Isang lalaking may nakatagong nakaraan, isang lalaking nabiktima ng karahasan at isang lalaking nagmahal sa isang kapwa lalaki.
Buwan ng Desyembre ay hindi ko makakalimutan. Isang babae ang nasa harapan ko. Ang kanyang maamong mukha ay hindi ko makakalimutan. Isang babaeng pansamantalang naging bahagi ng aking buhay.
"A-ana?" Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa siyang muli. Natuklasan kong nakita niya ako habang namimili ng regalo sa isang mall. Sinundan niya ako hanggang sa maabutan niya ako sa isang coffee shop.
"Ikaw ba si Renato?" wika niya habang kinikilala niya ako. "Ikaw nga!" Hinawakan niya ang aking kanang kamay.
Nagulat ako sa aking natuklasan. Ipinagtapat niya sa akin na pakana niya ang lahat. Siya ang nag-utos sa kanyang mga kaibigang lalaki na bugbugin ako. Ipinagtapat sa kanya ni Drake ang namagitan sa amin. Sa tindi ng galit niya kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon.
Nalaman ni Drake kaya pinuntahan niya ako. Wala siyang nagawa dahil tinakot siya na kapag tumutol siya ipagkakalat niya ang namagitan sa amin. Kinausap niya ang isang lalaki para tigilan na pero huli na ang lahat.
"Gusto kong maayos ang lahat. Puntahan mo siya. Hinihintay ka niya," wika sa akin ni Ana.
HINDI ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto kong makita si Drake. Umuwi ako ng Iloilo. At kahit pagod na pagod ako sa byahe ay pinuntahan ko si Drake. Wala siya sa Pototan. At natuklasan kong nasa bahay-kubo siya. Ang lugar na hindi ko makakalimutan.
Napahinto ako nang madaanan ko ang damuhan. Bumalik sa aking alaala ang naganap sa aking buhay. Kailangan ko pa bang balikan ang nakaraan?
Natanaw ko ang bahay-kubo. Lumang-luma na ito. Sira na rin ang bubungan nito. At sa tingin ko masisira na ito ng isang mahinang bagyo. Bumukas ang pintuan nito. At nahagip ng mga mata ko ang isang matipunong lalaki. Mahaba ang buhok na bumagay sa kanyang bagong ahit na bigote. Napatingin ito sa akin. Nagkaroon ng kurba ang labi nito. At masayang lumapit sa akin.
"Bro," Sabik na niyakap ako ni Drake. Hinampas-hampas niya ang aking katawan. Ginulo ang maayos kong buhok. "Puta, pare ang gwapo mo pa rin," dugtong niya.
Niyaya niya ako na maupo sa nakatumbang puno ng Mangga.
"Kumusta ka?" tanging sambit ko. Nag-init ang aking mga mata. Pakiramdam ko hindi ko napipigilan ang nararamdaman ko. At kahit anong gawin ko alam kong masaya ang puso ko.
"Bro, tagal kitang hinintay. Akala ko nakalimutan mo na ako." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Sana napata__."
Hiniwakan ko siya sa kanang kamay. "Bro, kalimutan natin ang naganap. Alam mo naayos ko na rin ang buhay ko. Ikaw nga lang ang....."
Tumayo siya. Pinagmasdan ako. "Ako rin bro, inaayos ko rin ang buhay ko. Tama ka hindi pa huli ang lahat," sabi niya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.
Tumayo rin ako. Nagkaharap kami. At nakiramdam sa bawat isa. Naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso. At hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya. Iniangat ko ang aking mukha at kusang lumapit ang kanyang labi sa labi ko. Mainit, nakakapaso ang kanyang hininga at dulot nito ang kahinaan ng aking pagkatao.
Bahagya niya akong itinulak. "Tama na! Sabi mo hindi dapat, diba?" Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Ika-kasal na ako kay Ana."
Nakagat ko ang aking labi. At kahit nasaktan ako ay itinago ko. Hinanap ba ako ni Ana para humingi sa akin ng tawad o ipaalam sa akin na ikakasal na siya sa lalaking naging bahagi ng aking buhay?
"Dr-drake, m-masaya ako para sa'yo." Pumatak na ang mga luha ko. At hinayaan ko itong dumaloy sa aking pisngi. "Hinding-hindi kita makakalimutan," wika ko bago ako tumalikod palayo sa kanya.
Mabigat ang mga hakbang ko. At kailangan kong tanggapin sa aking sarili na hindi tama ang umiibig sa isang lalaki. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko. Pero alam kong talo ako. Isa akong tao na marunong magmahal. Isang taong nadadarang at natutukso. Hiram lamang ang pag-ibig ko kay Drake. Isang hiram na kailanman ay hindi magiging akin.
TEN YEARS AFTER
Marami ang nangyari sa aking buhay. Nakalipat ako sa isang magandang bahay. Tagumpay ako sa larangan na aking napili. Maliban sa pagiging Civil Engineer ay naging magaling na manunulat ako. Isang nobela ang nailimbag ko. At ito ang buhay ko kapiling si Drake.
Aaminin ko sa aking sarili na nagpakatotoo ako. At hinayaan ko na tuluyang mahulog ang pagkatao ko sa tinatawag nilang ladlad. Bakit ako mahihiya? Bakla, bi, silahis o ano man ang itawag sa akin ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga wala akong tinatapakang tao. Ganito ako! Eh, ano naman?
Ibinuhos ko ang aking oras sa aking trabaho. At sa pag-aalaga sa aking pamangkin na lalaki.
"Tito, punta ka sa kismas party namin," sabi ng batang pamangkin ko. Grade one na siya. At dahil nasa ibang bansa ang kapatid at asawa nito ay ako na umako sa pag-aalaga kasama ang aking Mama.
"Oo nama," tugon ko sa pamangkin ko.
Bumilog ang mga mata nito. "Papakilala kita sa bespren ko."
MARAMI na ang tao sa loob ng paaralan. Makikita sa mga mukha ng mga bata ang labis na galak. Bawat isa ay may dalang regalo.
"Tito, ayun Ren-ren," wika ng pamangkin ko sabay turo sa isang batang lalaking palapit sa aming kinatatayuan.
"Katama ko Tito ko," sabi ni Bry-bry sa kanyang matalik na kaibigan.
"Katama ko daddy ko." Nginitian ako ng bata. At ilang saglit nagtatalon ito nang makita ang paparating sa aming kinatatayuan. "Ayon, daddy ko."
"Ren-ren halika na sa daddy."
Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang boses ng isang lalaki. Lumingon ako para makita ang pinanggalingan ng boses. Mula sa aking kinatatayuan ay matamang pinagmamasdan ko ang lalaking papalapit sa amin. At para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking nakikita. Si Drake, ang lalaking naging bahagi ng aking buhay. Ang kanyang mga ngiti ay kumiliti sa aking puso. Mamang-mama na ang dating niya. Lalong lumaki ang kanyang pangangatawan. At taglay pa rin niya ang maaamong mukha.
"Bro," hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Drake. Nagkatinginan kami na may mga ngiti sa labi.
"Daddy," lumapit sa kanya ang kaibigan ni Bryan. Niyakap niya ang kanyang anak. Lumuhod ito para mabigyan ng halik ang bata. Tumayo si Drake na may kurba sa kanyang mga labi.
Bro, kumusta? Anak ko. Si Renato. Renato pangalan niya," wika nito sa akin. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nararamdaman ko. Nag-init ang aking mga mata. At ilang saglit nilapitan ko siya para mabigyan ng isang yakap. Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.
"Hindi ko akalain na muli tayong magkikita. Drake, pinasaya mo ako," tugon ko sa kanya. Nakita ko na umalis ang dalawang bata at masayang naglaro sa di-kalayuan. Inakbayan ako ni Drake.
"Alam mo hindi kita pwedeng kalimutan. Sana maniwala ka na minsan minahal kita."
Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. "Alam mo nabili ko sa bookstore ang libro mo. Ang tungkol sa ating dalawa." Ginulo niya ang pagkakaayos ng buhok ko. "Sige, hinihintay na kami ni Ana."
Nakita ko si Drake na nilapitan ang kanyang anak. Lumapit sila sa akin. At ilang saglit nagpaalam na ang mag-ama. Kinalong niya ang kanyang anak. At masaya namang kumakaway sa akin ang kanyang anak. Ang batang pinangalan niya sa akin. O, kay sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na ganoon ako kahalaga kay Drake.
Habang papalayo sila sa amin. Ay hindi ko mapigilan ang magpasalamat sa itaas. Alam kong ginusto niya ang nangyari sa amin ni Drake.
Kung dumating man ang araw na mag-isa akong tatanda. Alam kong nasa puso ko ang pagmamahal. Si Drake, ang una at huling lalaking mamahalin ko.
Ang buhay ay hindi fairy tale na laging happy ending. Pero sa kwento ko alam kong isa itong happy ending. Happy ending dahil nakilala ko ang pagkatao ko. At naituwid ni Drake ang kanyang pagkatao.
Salamat Drake, bulong ng aking isipan. Umaasa ako na darating ang araw na muli kaming magkikita. At pinapangako ko sa aking sarili na hindi ko guguluhin ang maganda nilang pagsasama ni Ana.... magkita man kaming muli.

Sa bawa't sandali...HIRAM LANG.

No comments:
Post a Comment