Naalala ni Noel ang preparasyong gagawin para sa birthday ng kanyang bayaw. Nagmamadali syang pumasok ng bahay at nagulat sya sa kanyang nadatnan...
Magulo ang kabuuan ng bahay. Nagkalat ang mga basyong bote sa paligid…may mga basag pa...nakita nya ang kanyang bayaw na nakahiga sa sofa…tulog. Naka pantalong maong lamang ito at walang suot na damit. Lumapit sya dito at pinagmasdan ang kalagayan ng kanyang bayaw. Napansin nya ang luha sa mga mata nito. Nagtaka si Noel. Naguluhan.
Mabilis syang tumungo sa kusina upang ilapag ang mga pinamili. Pagkatapos ay nagbalik sya sa sala upang ayusin ang mga kalat. Pinulot nya iSa-isa ang mga basyong bote ng beer… ang mga bubog....napansin nya ang isang nilamukos na papel na tila nabitawan ng kanyang kuya Jake. Pinulot nya ito at inayos sa pagkakabalumbon. Isang sulat...
Jake,
Hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa yo. Alam kong magagalit ka pero alam ko rin na darating ang panahon na malalaman mo ang katotohanan. Kaya lakas-loob kong ginawa ang sulat na ‘to. Buntis ako.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita kami dito ng dati kong kasintahan na si Dennis. Nagkasala kami sa ‘yo. Nagsasama na kami dito ngayon. I'm sorry.
Myrna
Parang sasabog ang ulo ni Noel. Hindi sya makapaniwala sa nabasa. Ang kanyang ate, pinagpalit ang kanyang kuya Jake. Napakadaming tanong ang gumulo sa isip ni Noel. Paano na ngayon? Ano na ang mangyayari sa kanya, sa kanyang bayaw... Malayang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Nakaramdam sya ng awa sa kanyang kuya Jake. Sari-saring emosyon ang ngayon ay naghahari sa kanyang puso.
Nagising si Jake sa init na nagmumula sa araw. Bumangon sya at noon ay nagliwanag sa kanya ang buong pangyayari ng nagdaang gabi. Naalala nya ang pagtataksil na ginawa ng kanyang asawa, ang paglalasing nya…
Subalit nagtaka si Jake. Malinis na ang paligid. Naalala nya si Noel. Marahil ay inayos na naman ni Noel ang gulong ginawa nya sa bahay. Nakaramdam ng awa si Jake sa pagsasakripisyong ginagawa ni Noel para sa kanya. Tumayo si Jake. Wala si Noel sa paligid, marahil ay pumasok na ito sa eskwelahan. Tiningnan nya ang relo, alas 10 na ng umaga. Nagpunta si Jake sa kusina, masakit ang ulo dahil sa hang-over. Naghilamos. Napansin nya ang lamesa, puno ito ng pagkain. Naalala nya na kaarawan nya nga pala kagabi. Naghanda si Noel para sa kanya. Lumapit si Jake sa lamesa at doon ay nakapatong ang nilamukos nyang sulat ng kanyang asawang si Myrna. Katabi nito ay isang sobre. Binuksan ito ni Jake, binasa.
Kuya Jake,
Alam ko na ang ginawa sa yo ni Ate. Ako na ang humihingi ng paumanhin dahil alam kong nasaktan ka nya. Masakit din para sa akin ang makita kong nasasaktan ka. Mahal kasi kita kuya. Napamahal ka na sa akin. Pero alam kong wala na ring dahilan ang pananatili ko dito sa bahay. Kaya pasensya ka na kung sa sulat na lang ako nakapag-paalam. Baka kasi hindi ko masabi sa yo ng personal. Marahil pag nabasa mo ang sulat na ‘to ay pauwi na ako ng probinsya namin.
Pakiusap kuya, sana wag mong pabayaan ang ‘yong sarili…
Maraming salamat sa lahat. Hinding-hindi kita makakalimutan.
Noel
Nangilid ang luha sa mga mata ni Jake. Parang balaraw na sumaksak sa kanyang puso ang bawat titik ng sulat ni Noel. Dama nya ang sobrang sakit. Hanggang sa tuluyan na syang mapahagulgol...
"Salamat Eric, dito na lang ako." Si Noel.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo? Sayang naman ang pag-aaral mo." Tanong ni Eric.
"Ipagpapatuloy ko naman. Sa probinsya nga lang." sagot ni Noel.
"Paano ang Kuya Jake mo?" muling tanong ni Eric.
Nangilid ang luha ni Noel. Tumingin sa malayo.
"Mahal ko sya Eric. Mahal ko ang kuya Jake ko...."
Napatungo si Eric. Naiintindihan niya ang damdamin ni Noel. Sa mga mata nito ay nakalarawan ang lubos na pagmamahal at nagdurugong puso.
"Sige Eric… tutuloy na ako. Salamat sa paghatid mo sa akin." Paalam ni Noel.
"Mag-ingat ka Noel. Alam kong mabuti kang kaibigan. Sana ay tama ang naging desisyon mo. Sige... Paalam."
Habang papalayo ang barkong sinasakyan ay malayang dumadaloy ang mga luha ni Noel. Mabuti na lamang at wala syang katabi at walang makakapansin sa nagluluksa nyang damdamin.
Pakiramdam ni Noel ay nagbalik sya sa wala. Maraming pagbabago sa buhay nya ang kailangang harapin. Isa na rito ang pagpapalit ng kursong nasimulan. Wala sa kanya kung magsisimula syang muli. Tanggap nya na bahagi ito ng pagbabagong buhay nya.
Limang taon ang mabagal na lumipas simula ng lisanin ni Noel ang Maynila. Sa edad na 24 ganap na syang propesyunal at may matatag na hanap-buhay. Walang gabing hindi nya naisip ang kanyang Kuya Jake. Dalawang taon matapos syang magpaalam ay lakas-loob nyang tinawagan ito sa telepono subalit lumipat na daw ito ng bahay. Mukhang nagpalit na rin ito ng numero sa cellphone at nabalitaan nyang nag resign na sa trabaho. Alam ni Noel na tama lamang ang ginawa ng kanyang kuya Jake upang tuluyang makalimot. Iyon ang huling pagtatangka nyang makausap ang kanyang bayaw.
Ngayon ay isa nang makisig na lalaki si Noel. Lahat halos ay nabibighani sa kanyang kagwapuhan. Ang dating payaring katawan ngayon ay nagkalaman. Pinilit limutin ni Noel ang kanyang nakaraan sa pamamagitan ng ibat-ibang lalaki. Hindi mabilang kung ilang Adan ang nagdaan sa buhay ni Noel… subalit wala ni isa man sa kanila ang makakapantay sa kanyang Kuya Jake… ang tanging lalaking kanyang minahal.
Isang araw ay pinatawag si Noel ng kanyang boss.
"Noel, I am sending you to Manila to facilitate one of our projects there. Get yourself ready. You and the rest of the team will leave on Saturday."
Excited si Noel subalit parang may kumurot sa puso niya. Ang syudad ay nakapagpapaalala sa kanya ng maraming gunita. Gusto nyang tumanggi at manatili sa maliit na mundong ginagalawan. Subalit napagtanto nya na hindi sya pwedeng magtago habambuhay. Kailangang harapin at tanggapin nya ang hamon sa kanyang propesyon.
Malaki ang pinagbago ng Maynila. Sa loob ng limang taong pagkakawalay dito ni Noel ay nanibago sya sa kapaligiran. Sa Makati ang project ng kumpanya, isang condominium. Si Noel ang naatasang mag-ayos ng interiors ng mga model units. Dalawang buwan syang mag-i-stay sa Maynila para tapusin ang three-bedroom, two-bedroom, single-bedroom at studio-type model units ng itatayong condominium.
Handa na ang designs at mga plano. Pati suppliers ng mga furnitures ay naisaayos kaagad ni Noel at ng kanyang grupo. Ikatlong araw nya sa trabaho sa Maynila ng magkaroon ng aberya ang project. Nag back-out ang contractor nila para sa electrical. Dagli namang nakakuha ng kapalit ang kumpanya. Maliban doon ay pinapalitan din ang designs ni Noel para sa studio-type unit,
Lunes, busy si Noel. Pati ang ilang tauhan nya ay abala. Masusing inaayos ng binata ang bagong disenyo nya para sa studio-type model unit ng mag ring ang phone.
"Sir, pwede daw ba kayong maabala sandali? Kakausapin daw kayo ng Electrical Engineer." Sabi ng receptionist.
"I'm busy. Pwede mamaya na lang? After an hour ok?" sagot ni Noel.
"Ok sir." Sagot ng receptionist.
Wala pang isang oras ang nakakalipas ng muling mag ring ang telepono ni Noel.
"Sir, pwede na daw ho ba kayong kausapin ni Engineer Perez?" tanong ng receptionist.
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang. I'm still busy." Sagot ni Noel.
Nadinig ni Noel sa kabilang linya ang pangungulit ng engineer. Kaya sinabihan nya ang receptionist na patuluyin na ‘to.
Nakarinig ng katok sa pinto si Noel.
"Come in." sagot ni Noel subalit patuloy pa rin sa pag guhit sa drafting board.
"NOEL....?!?"
Pamilyar kay Noel ang tinig. Hindi sya maaaring magkamali. Dagli syang napalingon sa lalaking kaharap.
"Kuya Jake...!?"
Nagkatitigan ang dalawa.
Malaki na ang pinagbago ni Noel simula ng huling makita ito ni Jake. Ang dating payat na bayaw ngayon ay masasabing isang lalaking-lalaki sa tindig at porma. Parang hindi ito ang Noel na dati nyang kakila. Subalit ang mapupungay nitong mata… ang mga labi…ang kabuuan nito ay pawang nagpapaalala sa kanya ng kanilang nakaraan. Nang malaman nya kanina na ang project manager ay nagngangalang Noel Robles ay dagli syang kinabahan. Alam nya na ito si Noel ang kapatid ng dating asawa. Hindi nya malaman kung aalis sya o mananatili. Subalit nagpasya syang harapin ang lalaking naging mahalagang bahagi ng buhay nya.
Parang tumigil ang mundo ng mga oras na yon. Hindi makapaniwala si Noel na nasa harap nya ngayon ang kanyang Kuya Jake. Ang lalaking minahal nya noon…hanggang ngayon. Parang walang pinagbago ang kanyang dating bayaw. Mas maaliwalas ang mukha nito ngayon. Hindi mapapansin na nadagdagan ang edad nito. Makisig pa rin ang kanyang kuya Jake. Sa suot nitong puting long sleeve at maong na pantalon ay lutang na lutang pa rin ang kakisigan nito. Ang kakisigang pumukaw sa kanyang tunay na pagkatao. Hindi makapagsalita si Noel parang wala syang lakas.
Lumapit si Jake kay Noel.
"Kamusta ka na?" tanong ni Jake.
"Ah… ok lang kuya, heto, medyo umasenso na… ikaw? Kamusta ka na?"
"Nag resign na ako sa dati kong trabaho. Tumatanggap ako ng mga kontrata ngayon, meron na kong isang maliit na kumpanya."
Gustong sabihin ni Noel sa kanyang kuya Jake na alam nyang lahat. Ang paglipat nito ng tahanan ang pag-alis nito sa dating trabaho. Gusto nya itong lapitan… at yakapin... Gusto nyang ipadama rito kung gaano katindi ang pagtitiis na ginawa nya sa paglayo… Hindi mabilang ang gusto nyang gawin upang ipaalam sa kanyang kuya Jake ang kanyang nararamdaman. Subalit wala syang lakas ng loob upang gawin ito.
"Kuya… pasensya ka na.."
"Wag na nating pag-usapan yon, matagal ko ng kinalimutan ang mga bagay na yon."
Tumahimik ang paligid. Sa loob-loob ni Jake ay kinalimutan na pala ng kanyang Kuya Jake ang mga pangyayaring namagitan sa kanila. Nasaktan sya sa tinuran nito. Buong buhay nya ay lihim nyang inibig ang kanyang bayaw. Aaminin nyang umasa sya na mahalin din sya nito subalit alam din nyang malabong mangyari ang kanyang nais. Dating asawa ito ng kanyang ate. Sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanya. Napatungo si Noel, hindi naikubli ang luhang kanina pa nagbabadyang umagos sa kanyang mga mata.
Napansin ni Jake ang pagluha ni Noel. Lumapit si Jake at niyakap si Noel. Tuluyan ng kumawala ang emosyon na kinikimkim ng binata…
"Mahal kita kuya... Mahal na mahal..." Bulong ni Noel kay Jake kasabay ng pagbalong ng mga luha.
Napapikit si Jake. Niyakap ng mahigpit ang bayaw.
"Mahal din kita Noel. Noong umagang umalis ka... Mas nasaktan ako ng iniwan mo ako… pakiramdam ko ay nawala na ang lahat sa akin... Mahal kita Noel... Noon pa… noon pa... naduwag lang ako... Natakot..."
"Sorry kuya...."
Hindi na natapos ni Noel ang gusting sabihin. Pinahid ni Jake ang luha sa mga mata ni Noel at masuyong hinagkan ito sa labi. Halik na puno ng pagmamahal at pagtatangi...
Iyon na ang pinakamasayang gabi para kay Noel. Piping saksi ang ulan sa labas sa ligayang kanyang nadarama. Pinagmasdan nya ang lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, ang kanyang kuya Jake. Napaka amo ng mukha nito… ang mga labi nito na ubod ng tamis at ang katawan nitong walang sawa nyang susuyuin.
Hinagkan ni Noel ang mga labi ni Jake. Marahan… muling pumatak ang luha sa kanyang mata.
Naalimpungatan si Jake. Isang malungkot na panaginip...ang tagpong iniwan sya ni Noel… nabigla si Jake at nagising dahil sa binalot ng takot ang buo nyang pagkataol… pagmulat ng kanyang mata ay si Noel ang una nyang nakita... At masuyo syang hinahagkan.
"Wag mo kong iiwan Noel… ipangako mo…"
"Hindi kuya... Hindi…"
At naglapat uli ang kanilang mga labi. Nagdikit ang kanilang mga hubad na katawan…
Unti-unting siniil ng halik ni Noel si Jake. Naramdaman nya ang pagpasok ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Tinaggap nya ito at nagtagpo ang mga ito, nagtagisan. Kagabi lamang nila huling pinagsaluhan ang isat-isa. Subalit ngayon ay handa silang muli na pukawin ang tinitimping pagnanasa ng kanilang katawan.
Gumapang ang halik ni Noel a leeg ni Jake. Alam nya ang kiliti ng bayaw. Bumaba ang halik nya papunta sa matipunong dibdib nito at doon ay sabik na sinuso ang magkabilang utong. Sinipsip. Kinagat-kagat. Napahalinghing si Jake. Kaytagal nyang inasam na maulit muli ang pangyayaring ito.
Dumausdos muli ang halik ni Noel at ngayon ay hinahagod nya ng halik ang tiyan at pusod ni Jake. Pinagapang ang dila at minarkahan ang tagiliran nito. Tuluyan ng bumaba ang halik ni Noel at dumako sa puson… binasa ni Noel ng laway ang mga balahibo ni Jake… sinimsim ang matagal nyang pinagnasaang katawan ng kanyang kuya Jake.
Napahinto si Noel pagdako sa malaking pagkalalaki ni Jake. Pinagmasdan nya itong mabuti. Hindi nya ito pagsasawaang masdan… isinubo ni Noel ang ulo ng ari ng kanyang kuya Jake. Pinaglaro ang dila dito. Sabik na isinagad ang pagkalalaki ng kanyang kuya Jake sa kanya lalamunan. Napahalinghing si Jake. Matagal nyang inasam ang muling pagniniig nila ni Noel. Ilang babae at bading na rin ang dumaan at tsumupa sa kanya subalit hindi maikakailang si Noel ang nakalaan para sa kanya. Si Noel lamang ang nakapagdudulot sa kanya ng ibayong ligaya. At ngayong narito na si Noel, hinding-hindi nya pababayaang sila'y magkalayong muli.
Nagtaas-baba ang ulo ni Noel sa tayung-tayong ari ni Jake. Naglabas-masok ito sa loob ng kanyang bibig. Puno ng pagmamahal ang bawat pagsalubong nya sa mga ulos nito. Ilang sandali lamang ay nilabasan na si Jake at dumaloy ang masaganang katas sa bibig ni Noel. Dali-daling nilunok ng binata ang kinaabikang katas ng kanyang dating bayaw. Wala syang sinayang kahit ni isang patak.
Narating ni Jake ang rurok ng ligaya. Ngayon ay handa na syang ibalik ang ibayong sarap na ipinatikim sa kanya ni Noel. Hinugot nya ang ari sa bibig nito at giniyang mahiga. Hinalikan ni Jake ang matipuno ring dibdib ni Noel at iginapang ang dila patungo sa pagkalalaki nito.
"Hindi mo kailangang gawin yan kuya…" paalala ni Noel.
Hindi sumagot si Jake at ngumiti lamang. Hinawakan nya ang naglalaway na ari ni Noel at isinubo ito. Hindi man sya sanay sa gawaing ito ay bukal sa kalooban nyang paligayahin si Noel. Pilit nyang isinubo ang kabuuan ng pagkalalaki nito. Hindi maipaliwanag ang sarap na idinulot nito kay Noel. Napapikit sya at napaluha. Kay tagal nyang hinintay na mahalin din sya ng kanyang kuya Jake. Kung ang pag-ibig ay nakamamatay handa na syang mawalan ng buhay.
Ilang sandali pa ay hinila ni Noel si Jake at pumatong ito sa kanya. Nagkiskisan ang ari ng dalawa habang patuloy sa paghahalikan. Ibinuka ni Noel ang dalawang hita senyales para kay Jake. Nahinuha naman ng lalaki ang ibig ni Noel at dahan-dahang itinaas ang dalawang hita ni Noel. Pumagitna sya dito.
Nakaluhod si Jake sa nakahigang binata. Inabot ni Noel ang matigas na ari ng kanyang kuya Jake at siya mismo ang dahan-dahang nagpasok nito sa kanyang kaibuturan. Marahang umayuda si Jake hanggang makapasok ang kabuuan sa masikip na lagusan ni Noel. Saglit silang huminto. Hinalikan ni Jake si Noel. Kasabay sa bawat pagsugpong ng kanilang mga katawan ay ang mga impit na halinghing na kumakawala sa kanilang magkalapat na labi at sabay nilang pinagsaluhan ang tamis ng pag-ibig.
Kasabay sa paglakas ng ulan ay ang pagbuhos ng pagmamahal sa dalawang nilalang na muling pinagtagpo ng tadhana. Hindi alintana ang bagyong dumapo sa kanilang buhay… ang unos na nagtangkang paglayuin sila.
Tagistis ng ulan… lambong ng pagmamahal.... wagas na pag-ibig… ang syang naging daan…
Ang tunay na pag-ibig ay sadyang makapangyarihan.
The End.
No comments:
Post a Comment